Uy. 13 X 3 ka na! Di naman halatang Tandercats ka na. Pasalamat ka na bebeh-face ka kahit na mas dumadami na puti kesa itim mong buhok. Keribels lang yan. Richard Gere or George Clooney lang ang peg (parehong di ko type).
Sabi nila, pag tumatagal ang pagsasama, nagigising daw sa katotohanan. Halos nine years na tayo. Pero baligtad ata. Nabubulag na ako. Pogi ka pala? Alam mo naman, kahit nuong bago pa lang tayo, di na kita type. Oo, mahal kita, pero di kita type. Maputi ka, type ko maitim. Muscular ka, type ko patpatin. Balbon ka, type ko balat pwet ng baby.
Buti na lang, mabait ka. Tsaka nagsalita ka na nung tumugtog si Bong Gabriel sa computer ko nung nasa Davao tayo. Kasi sa totoo lang, di ko napapansin na nasa kwarto ka. So quiet naman you, kasi.
Tapos buti na lang binanggit mo ang magic words na "Neil Gaiman"... Hala! Di man kita type, feel ko naman ang trip mo. Biro mo ba naman umagahin tayo ng kwentuhan sa Korokkan videoke dahil kay Neil at pati na rin sa X-Men. Nahuli mo uli ang aking pansin nung kilala mo ang "Reavers" story line. Ayus!
So dun na nagsimula ang lahat. Kala ko naman, trip trip lang. Malay ko bang dadaanin mo ako sa santong paspasan? Never saw that in you. Haha! Aggressive ka din pala pag gusto mo na makuha ang sagot. Kung sabagay, di pwede ang lalamya-lamya sa basketball player.
By the way, huwag mo na uulitin yung hairstyle sa taas ha? Lalo pa't ang tipid mo gumamit ng pang-ahit.
So yun, three years tayong mag-uyab at hello, hello! Six years na pala tayong kasal. Bongga! Minsan parang kailan lang, minsan parang yun na lang ang alam ko na life experience. Tama nga si Einstein na time is relative. Depende kung san ka nakatingin, iba din takbo ng oras. Ayus.
Di ko alam kung kasingkulit pa rin tayo ng dati. Buti na lang di talaga tayo sweet-sweet-an. At least di ko masasabing, "nagbago ka na!" Kasi ganun ka pa din. Haha! Pero actually, naso-sorpresa mo na rin ako sa iyong mga Mother's Day flowers and birthday flowers. Mabuti na lang mura lang yung flower shop malapit sa office. :P
Masasabi ko lang, kelangan natin magdagdag ng couple pics. Mahihirapan mga anak natin maghanda ng special video sa ating 20th/25th anniversary. Bilang ina, ayaw ko silang mahirapan. Lezdodis!
Pero kahit di mo halata minsan. O halata mo, pero di mo lang pinahahalata na halata mo kasi alam mong ayaw ko pahalata... Alam ko na swerte ako bilang partner-in-life mo. Kahit obsessed ka masyado sa tables at furnitures, swerte pa din ako. Kahit na masungit ako (hirap ng middle-class in Manila e) pa-minsan-minsan (minsan lang ba?)...
Swerte ako dahil inaalagaan mo ako. Aba e, ilang lalaki ba dyan ang magtitiyaga mamalengke/grocery, maglaba ng ahem at kung anu-ano pa? Dahil ginagawa mo yun, mas naalagaan ko ng mabuti ang ating Alon (at Alab).
Swerte din mga anak mo. Sa picture pa lang sa taas, handa ka na ma-Hop on Pop para lang mapahagikgik sila. Minsan naloloka ako kasi nasa computer at TV ka habang nasa hapag-kainin (ang gadget-free meal times ko!!!), napagsasabihan ka naman. Panganay ka, kelangan mowdel. Hehe! Pero yun, swerte sila dahil hands-on ka, from nappy change to bath time to read time. Kita mo naman ang tuwa ni Alon pag umuuwi ka.
At happy din ako, dahil alam ko na magiging active ang ating mga anak. Isama na sa basketball sa kanto, football sa park, gym sa YMCA. Bahala ka na. Alam mo naman may tamaditis ako pagdating sa exercise.
At alam kong lalaking matino sa partners ang mga boys natin kasi makikita nila kung gano mo ako ka-lab. Hehe! Mataas kaya standards ko kasi Tatay ko ay lab na lab ang Nanay ko. So I really couldn't settle for any thing less. Naks.
Maligayang bati, Labs! Tingnan mo naman ang peetyur na yan sa taas. Kagigising pa lang ni Alon. Hehe! Nasa tiyan pa si Alab. Pero yan... sana patuloy nating trabahuin na maging masaya at payapa ating munting pamilya. Yun naman din ang tunay na nagtali sa atin, di ba? Ang pagpapahalaga sa pamilya... na ito ang importante sa lahat. :)
Malayo pa ang ating lalakbayin, pero naniniwala ako na magkasama tayo all the way. Holding hands pa. You, me, Alon and Alab. Mwaaaaaaah! Happy batatay, kung kay Alon pa. :)